Mula ng ika'y makita,
Hindi na ako makatulog ng maaga
Hindi na mapakali,
Sa bawat oras ng sandali.
Sa tuwing naaalala ka,
Puso ko'y kumakaba.
Sa tuwing iniisip ka,
Damdamin ko'y tumatalon sa saya.
Sa mga araw na nakikita ka,
Di makaiwas ang aking mga mata.
Sa mga oras na may kausap kang iba,
Ako'y dumadalangin na sana ako na.
Hindi mo man ako kilala,
Para sa akin iyon ay sapat na.
Makita ka lamang o aking sinta,
Hindi na ako makakahanap pa ng iba.
Sa bawat panahong dumaraan,
Minsang naiisip kong maghintay na lamang.
Kahit minsan ako'y naiinip,
Para sa'yo lahat ay gagawin dahil sa pag-ibig.
Nawa'y sana maunawaan mo,
Na kahit minsan hindi ako nagkulang sa'yo.
Dahil para sa akin, ikaw lang ang nag-iisa.
Ang pinakamamahal simula nung una pa.
Kaya sana mahal ko,
Balang araw maalala mo.
Na kahit minsan sa buhay mo,
Ay may nagmahal ng totoo sa'yo.